Friday, July 12, 2013

FAVORITE DISHES : Month of July

Presenting my favorite ulams hihi, for the month of July at ngayong preggy ako :)) Ito yung mga pagkain na na- eexcite ako kainin.

Favorite kong umagahan:
 CHICKEN / HOTDOG / SKINLESS LONGGANISA / EGG

INIHAW NA LIEMPO AT PUSIT
Ang favotite dinner ko at ni hubby! :) super excited kami kumain pag ito yung ulam. Nakaka enjoy din mag prepare :) Ako ang naka duty sa pag-mamarinate at si hubby naman ang nakatoka sa pag iihaw. PERFECT! :)

 SINIGANG NA BANGUS
Perfect sa rainy weather :) Hmmm SARAP! gusto ko yung maasim na maasim at favorite part ko yung belly! (yung taba ng fish) ah the best! 

  SINABAWANG TAHONG
Super duper yummy! lalo na pag malalaki yung tahong hmmm sarap! tapos nilalagyan ko siya ng malunggay and dahon ng sili :) Yummy and Healthy.

 FRIED DRIED PUSIT
Perfect combo ito sa mga may sabaw na ulam :)) 
tapos suka ang sawsawan hmmm LOVE IT! 

GINATAANG SUSO
first time ko kumain nito, nagluto yung kuya and sobrang nagustuhan ko siya :) kaya lang medyo mahirap or matrabahong kainin kasi kelangan pang sipsipin maigi or sungkitin ng tooth pick yung shell para lumabas ang laman, nakakainip! haha pero worth it! :)



No comments:

Post a Comment