Showing posts with label TAGALOG BLOG. Show all posts
Showing posts with label TAGALOG BLOG. Show all posts

Thursday, August 22, 2013

❤ 50 Random Facts About Me

 
    Hi HeiressLoves! Kumusta? thanks God at nawala na si bagyong "maring" at si habagat. Hay salamat! super nakakatakot yung ulan kahapon at nung isa pang mga araw, ang lakas niya grabe. Good thing hindi bahain ang place namin. Nakakalungkot lang yung mga nasalanta ng bagyong maring, nakaka-awa lalo na yung mga baby na nasa evacuation center pati na yung mga alagang aso na pinakita sa TV na lumulusong din sa baha :( Sana maging okay na ang lahat.



    Ambon ambon na lang kaninang umaga kaya naisipan kong mag film ng video (yehey!) naisipan ko para maiba naman "TAG" video naman ang gagawin ko kasi never ko pa na-try. At ang bet kong gawin ay ang "50 Random Facts" kasi parang nagku-kwento lang ako, chill chill lang :)) Nag-enjoy ako sa pag-fifilm today kaya inabot ng 30+ minutes yung video hihi.

Ayan ang kinalabasan ng aking tag video :) sana hindi siya boring panuorin. Looking forward ako na gumawa pa ng maraming tag videos at more more daldal videos. Sana makapag-film ako uli, sana din makapag-start narin ako gumawa ng PREGGY VLOG / BLOG . Kasi malapit lapit na akong sistensyahan este manganak wala parin akong nagagawang documentary ngayong buntis ako :( Hindi ko kasi alam pano sisimulan :)) pero promise gagawa talaga ako 


Tuesday, August 20, 2013

★SPARKLING EMERALD | Make-Up Tutorial

Hello! HeiressLooooves :) super duper mega to the highest power ang lakas ng ulan kahapon! pati ngayon =(  mabuti na lang at naka-LOA (Leave Of Absence) ako ngayon sa work, kundi kelangan ko magbuwis buhay sa paglusong sa baha (hehe). 

Well papel naisipan ko mag-film kahapon at na-inspire ako sa cover ng magazine na binabasa ko. Ang ganda ng Make-up ni Angel Aquino, tignan niyo ang taraaay! haha, kaya naisipan ko gumawa ng sarili kong version.

Chanan! (haha) yan ang nakayanan ng powers ko, keribels lang ba? hehe. Eto ang listahan at pictures ng mga products na ginamit ko:


FACE:
- Cetaphil Moisturizer
- Dream Girl BB Cream (Faith)
- Shawil Magic Concealer Stick (No.01)
- Fanny Serrano Cake Powder (Organza)
- Elf Contouring Blush & Bronzing Powder 
- Nose Shadow & Highlight (From Daiso-Saizen)
- Cover Girl (Trueblend Minerals No.405)


EYES:
- ELF Eye Primer
- EverBilena Mousse Eyeshadow (Peridot)
- Fashion21 Stick Eyeshadow (Pearl)
- Victorias Secret Mega make-up kit
- Shawil Glitter Eyeliner (No.07)
- L.A. Colors Eyeliner (white)
- Nichido Eyeliner (Onyx)
- Fanny Serrano Gel Liner (Black)
- SanSan Long Lash Mascara (Black)

BROWS:
- Etude House Drawing Eyebrow 
- IN2IT waterproof eyebrow colour (ER 01-Eyebrowns)


LIPS:
- Lip Ice (Grape BlackCurrant)
- MAC (fake) hehe Lip Liner (di ko makita ang color basta "dark fuschia" ang shade)
- Excel Paris Lip Cream (No.502)

That's it pancit :)) thanks for reading and visiting my blog, till next time. Please watch my video tutorial too here: 



(you may also visit my channel on YouTube if you want to) bye yihhhh 


Friday, July 12, 2013

FAVORITE DISHES : Month of July

Presenting my favorite ulams hihi, for the month of July at ngayong preggy ako :)) Ito yung mga pagkain na na- eexcite ako kainin.

Favorite kong umagahan:
 CHICKEN / HOTDOG / SKINLESS LONGGANISA / EGG

INIHAW NA LIEMPO AT PUSIT
Ang favotite dinner ko at ni hubby! :) super excited kami kumain pag ito yung ulam. Nakaka enjoy din mag prepare :) Ako ang naka duty sa pag-mamarinate at si hubby naman ang nakatoka sa pag iihaw. PERFECT! :)

 SINIGANG NA BANGUS
Perfect sa rainy weather :) Hmmm SARAP! gusto ko yung maasim na maasim at favorite part ko yung belly! (yung taba ng fish) ah the best! 

  SINABAWANG TAHONG
Super duper yummy! lalo na pag malalaki yung tahong hmmm sarap! tapos nilalagyan ko siya ng malunggay and dahon ng sili :) Yummy and Healthy.

 FRIED DRIED PUSIT
Perfect combo ito sa mga may sabaw na ulam :)) 
tapos suka ang sawsawan hmmm LOVE IT! 

GINATAANG SUSO
first time ko kumain nito, nagluto yung kuya and sobrang nagustuhan ko siya :) kaya lang medyo mahirap or matrabahong kainin kasi kelangan pang sipsipin maigi or sungkitin ng tooth pick yung shell para lumabas ang laman, nakakainip! haha pero worth it! :)



Thursday, July 11, 2013

1st IMAX 3D Experience


JUNE 23, 2013:
     Helloooooo HeiressLoves super tagal na since my last post pero I'm back :) kelangan ko nang tuldukan ang pagiging tamad ko dahil sa pagiging preggy ko hihi. So for my "come back post" iku-kwento ko ang first IMAX 3D experience namin ng aking hubby :) Let's GO! 


Thanks to my company I got a free ticket to watch SUPERMAN
(Man of Steel) for free :) super happy kasi IMAX siya, kaya lang the sad part is isa lang siya =( hindi ko ma-eenjoy manuod ng movie mag-isa kaya tinawagan ko si Luks para sabihin sa kanya at pumayag siya na manuod kami, babayaran na lang niya yung isang ticket, yey! napagastos kami biglaan ng 400 pesos (huh ang mahal) pero okay nadin kasi naka save naman kami ng 400 kasi libre lang yung isang ticket, pwede na rin :)


Para sa movie snack bumili kami ng yummy Nacho, na favorite ni Lukas boy haha :)) ako hindi masyado keri lang hehe.

This is what I loved the most about being preggy :) walang pila pila ! mapa-comfort room man, sa sakayan ng FX, pag magbabayad ng bills o sa sinehan naka priority or express lane ako (taray!) haha PERFECT! ;)

Movie verdict? hmmm may mga boring part sa unahan, tapos hindi ako ganun nagwapuhan kay superman agad agad (haha! LANDI!) pero habang tumatagal gumaganda na ang story, bumibilis na ang phasing at ang pinaka-importante guma-gwapo na si superman sa paningin ko (harhar) nagiging hot na siya :p may mga scene din na naiyak ako, akala ko sensitive lang ako masyado kasi buntis pero sabi din ni Luks siya din muntik ng maiyak lalo na nung namatay yung kumupkop kay superman (spoiler ako sorry) :))


Si superman este si Hubby at ang buntis na maganda (naks-hihi), ayan yung ginagamit na "shades" para maging 3D yung pinapanuod, pag inalis siya medyo sabog yung ichura ng picture sa screen. Pero nakakapagod at sumakit yung mata ko habang nanonood kasi ang laki masyado ng screen, tapos super lakas ng sounds nakakabasag ng eardrum (lol) :))

Let's move on sa Lover's Outfit Of The Day Photos (^_^) :

Ayan ang aming simpleng get-up sa araw na iyan, ooops!  nakalimutan ko i-share LOVE BIRTHDAY namin ng araw na yan (ayihhhhh !) 5 Years and 6 Months na kaming nagmamahalan (naks-haha!) ayun, masaya and pagod konti hehe, pagtapos manuod sinabi ko kay hubby na dun na rin kami sa mall kumain ng dinner para pag dating sa bahay magpapahinga na lang.

Buti na lang (thanks God) at dala ko yung gift cert. namin sa BonChon! yes! makakatipid kami hehe magdadagdag na lang ng konti at may chibogers na kaming dalawa, super malaking yehey kasi tight ang budget namin dahil malapit nakong sintensyahan (haha) este manganak pala :)) kaya kelangang magtipid.


 ayun lang muna mga HeiressLoves ko na sobra kong namiss, promise dadalasan ko na ang pagsusulat dito. Stay tune for more updates lalo na sa pagiging preggy ko hihi, salamat ng marami sa pag-babasa. Ingat lagi, LOVE YOU ALL !