Showing posts with label Dream girl lipstick. Show all posts
Showing posts with label Dream girl lipstick. Show all posts

Saturday, July 14, 2012

4U2 ★ DREAM GIRL (HAUL + REVIEW)

Bumili ako ng 3 products galing sa 4u2 cosmetics, sa "dream Girl" collection nila :)) super love ko na silang lahat ! ! ! lalo na yung BB Cream ayyy ang ganda niya promise :) mahilig kasi ako gumamit ng BB cream kasi hindi siya makapal tignan sa mukha hindi katulad nung ibang foundation, ang kapal tignan. Ayun yung mga BB cream light lang sila tignan pero naco-cover nila yung mga blemishes, ooops BB means "blemish balm". Tapos ang fresh ng ichura ng face pag naka BB cream, kaya I love it (^_^). Okay so isa-isahin natin yung pag review sa mga product:


Twist and Shout 
(full color lipstick - No. 03)
Ito yung unang product na pinurchase ko sa Dream Girl, ang ganda ng color ng lipstick na to :) parang barbie-like kasi super light na pink siya, at hindi siya nakaka-dry ng lips, glossy din siya pag inapply kahit wag na mag lip gloss (^_^) P154.00 ang price nya, Ito yung swatch:

Lovelight BB Powder
SPF 15 - No. 01
Ito naman yung BB powder (^_^) ang cuuute na ichura ! kikay na kikay ohhh :)) eto naman binili ko siya dahil kay Miss Say (make-up guru siya sa youtube) tapos lagi niya sinasabi na love na love nya yung BB powder, tapos super na intriga ako hihi ayun nag hanap ako. Kasi yung unang watsons na pinuntahan ko -out of stock daw :( buti na lang naisipan ko sa department store baka meron, so ayun yehey meron nga :) P194.00 yung price nya.


Faith BB Cream
Universal Color
 
At ito ang last product na binili ko at - FAVORITE ko sa kanilang tatlo :)) chanan! haha BB Cream! mahilig talaga ako sa BB cream kasi hindi sila makapal tignan pag nilalagay sa mukha pero na tatakpan nila yung mga blemishes at ang fresh pa ng ichura mo, o diba ang cool =) ayun so eto ang ginagamit ko ngayon araw-araw bago mag BB powder :) P184.00 ang price niya.

Ito yung ichura ko pag tapos ko sila i-apply  :) light lang at super ganda nila kaya bibigyan ko sila ng perfect score sa rating (^_^) try niyo sila if gusto niya ng make-up pang everyday, thank you sa pag babasa ng blog ko. Ito yung video haul + review na ginawa ko sa youtube :