Showing posts with label PRODUCT REVIEWS. Show all posts
Showing posts with label PRODUCT REVIEWS. Show all posts

Sunday, July 8, 2012

EVER BILENA ♥ "MATTE LIPSTICKS" ♥


 Hi! (^_^) it's been a while since nag blog ako, I miss you blogspot :)) super busy lang ako lately. So... ayun :) ito yung magiging unang blog ko in tagalog, Yey! finally haha. Super pinag-isipan ko kung tagalog oh kung ipag papatuloy ko na english so ayun naisip ko mas ma-eexpress ko yung gusto ko sabihin pag tagalog kaya eto =) 

Okay let's start with the review :) Simula pa nung highschool ako nagandahan na ako sa matte collection nung ever bilena, paisa-isa lang yung binibili ko that time pero ngayong may work na ako at mas tumindi (tumindi talaga? hihi) ang interest ko sa make-up I collect lahat ng shades kasi maganda siya and affordable.

 Ito yung unang set ng collection ko, I purchase 8 matte lipsticks in the shade of pink,nude tapos red. Kulang pa ng apat para makumpleto ko lahat ng shade, pero di ko na muna binili yung apat kasi medyo nag-aalinlangan ako kung magagamit ko sila madalas (sayang naman kung hindi) kasi yung apat na yun is already nasa brown shade, hindi kasi ako fan ng mga dark shades pero ayun kanina nagpunta ako sa mall at binili ko na yung apat na kulang,dahil sa kadahilanang gusto ko talaga kumpletuhin lahat AT! (isang malaking AT) dahil nagtaas nanaman sila ng presyo! (sauce-maryosep!-haha) kasi naman ito tignan nyo ang diperensya ng presyo:
Oh diba ang taray? haha pataas ng pataas ang price ni ate huhu, tinatago ko kasi yung mga box kaya ayan nalaman ko na may price increase palang nagaganap hihi, kaya ayun binili ko na yung apat baka kasi bukas dalawang daan na yan (ay grabe din-wag naman sana) :))

Okay let's start na talaga sa review (^_^)
Ito yung unang set:

  NUDE SHADE to PINK TONES  

grabe lahat ng shade dito favorite ko! :)) bagay to sa mga girly girl out there! so eto yung swatch:

 From left to right:
              Pink Flame   Off Beat Pink  Mauvey ♥ Skin    

 RED SHADES/TONES  
Vampire ba ang peg mo today? o pin-up look? oh gusto simpleng pula lang ang ilagay sa lips, well papel eto ang swatch ng mga red tones (^_^) :
 From left to right:
                 Scarlet   Love That Red   Storm ♥ Siennas               


 DEEP RED/BROWN SHADES  
Oh eto na yung apat na kulang ko na kinukwento ko sa inyo :)) diba mga deep colors ang ichura nila ? hehe pero nung tinry ko sila parang mag kakamuka lang yung kulay nila pero okay naman (buti na lang!) kaya hindi sayang na binili ko sila =)
  From left to right:
   Mirrored Mocha  Dusk   Port ♥ Toast Of New York

Yehey! sa wakas nakumpleto ko na sila :)

Ito yung Youtube video (review) ko: 
(please watch-mas realistic ang colors sa video)

Tapos ito naman yung mga bloopers (haha):



 Thank you so much sa pagbabasa ng blog ko =) hanggang sa muli, feel free to live comments o mga tanong, o kahit panlalait pa haha go lang ng go, lagi niyong tatandaan:

" LIVE LIFE TO THE FULLEST"
AND
"DO WHAT YOU LOVE"