Thursday, August 2, 2012

AVON HAUL ♥

Hello pretties! :) so today iba-blog ko yung mga AVON products na binili ko last last last month hehe, gusto ko magkaron kayo ng idea if ever na gusto niyo bumili ng mga avon products :) okay? lets start :

 
Bumili ako ng tatlong hair styling tools from their "Style Specialist" line, kelangan ko mag invest ng mga hair tools para sa mga future hair tutorials ko na gagawin ko sa Youtube channel at dito rin sa blog ko :) at saka if ever na magkaron na ako ng mga make-up gig (naks!) hehe ayun para may magamit ako sa mga client na mag-papaayos sa akin :) 

Price : 800+ pesos
so wala pa akong hair curler so naisipan ko na bumili :) and na cute-an ako sa color kasi HOT PINK! ang cuuute! , mahilig din kasi ako magkulot pero dati ang ginagamit ko yung plantsa ko (ceramic hair straightener) medyo mas matagal nga lang, kaya eto bumili na ako ng curler para mapadali ang life pag mag kukulot hehe :) eto yung mga specs:

Features:
  • Hair curling iron with ceramic coating and plastic handle.
  • Comes with heel rest to support curling iron while preheating.
  • On and off switch with LED light indicator.
  • 360* swivel cord with hanging loop.
  • Electric, AC220-240v 60HZ 15W
 
Price : 800+ pesos
 

Second hair tool is that I purchase :) blooower ! para ayun sipagin na akong mag patuyo ng buhok :) instant tuyo na ang hair-lalooo! however! tinatamad padin ako ngayon at umaalis padin ako ng bahay na basa ang buhok tsk tsk !
Eto yung mga iba pang details :)


Price : 999 pesos
*promo price
Girls hulaan kung bakit ko siya nagustuhan? :) tomooo! hihi ang CUTE !!! diba? diba? :) hindi siya yung common lang na itim na plantsa pang buhok :) ayun tapos maganda din siya nung tinry ko, kasi mas mataba siya kumpara sa unang plantsa ko, kaya mas marami agad yung na-iistraight niya, ok tignan pa natin yung ibang picture para mas makita niyo yung mga details :)
Hot pink na zebra print :) KikayMuch?
Yehey my switch unlike sa luma ko :)
eto very helpful! may lock siya para hindi masisira yung mismong ceramic, pag hindi na ginagamit. Pwede siyang i-lock tulad nito:
at pag gagamitin na ito na siya, para na siyang naka-nganga hehe :)



Price : 199 pesos 
*promo price

Honestly . . . hindi ko pa siya nagagamit until now :( perooo! I will promise! :) uhmm basically pang clean siya ng pore hehe, ok seryoso para siyang yung sa mga facial salon, yung parang sinisipsip niya yung balat mo hehe ang hirap i explain, basta yun :) gagawa na lang ako ng separate review.
Perfect Skin Kit 
                         

okay lets move on to another facial care chuva hehe, binili ko to kasi dahil dito color pink, kasi maganda tong panglinis ng face :) mild lang siya pero dahil sa malilit na parang bristles niya eh nalilinis niya maigi yung mga pores, pero yung isa pang prick yun ng pimples ayayay! ang talas! feeling ko hindi ko siya magagamit kasi hindi ako marunong baka mainfection lang pag tinry ko mag prick ng muka ko. So ayun eto yung mga pictures :)

tanan! :)) eto naman yung pang on-the-go pang keri boom boom ng mga accessories at kung ano ano pang anek anek haha, ok serious na! ito yung jewelry rool nila, super cute niya, at ! mas magiging madali at organize ang pag i-store ng mga accessories, lalo na pag aalis ka at ibat-ibang klase ng accessories ang dadalhin mo.
eto yung ichura niya pag inopen :)
pwedeng alisin yung pouch :) cute diba?
tapos itong sa baba ang ichura niya pag nilagyan na siya :)
and down to my last purchase :) ito super cute kasi mai-oorganize natin yung mga gamit natin in a stylish way (aha-aha) hihi :)) so eto ang pictures:
So ayun lang mga kagandahan :) salamat sa pag visit sa blog ko, scroll down lang or next para sa iba ko pang blog :) OOOPS ito nga pala yung Youtube video ko :

3 comments:

  1. wow i think i like the curling iron and hair straightener :)

    http://deynakim.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Do u have pics after mo gamitin ung pang curl?

    ReplyDelete